Hangad ng lokal na pamahalaan na magbigay ng mga silid-aralan para sa mga mag-aaral ng day care centers para sila ay makapag-aral sa maginhawang pasilidad. Kaya naman ang Lokal na Gobyerno ng Sta. Maria sa pamumuno ng ating Mayor Julius C. Ramos ay namahagi ng air purifier sa mga day care center sa munisipalidad. Nakatanggap din ang mga batang mag-aaral ng isang sakong bigas para sila ay manitiling malusog at nasa hustong timbang.